Diabetic Retinopathy: Pagkontrol sa Iyong mga Dahilan ng Panganib
Naaapektuhan ng diabetic retinopathy ang iyong mga mata. Nangyayari ito kapag napipinsala ng diabetes ang mga daluyan ng dugo sa likod ng mata. Tinatawag na retina ang bahaging ito ng mata. Maaaring humantong sa pagkawala ng paningin ang mga problema sa retina. Pangalagaan ang iyong pangkalahatang kalusugan. Makatutulong ito sa iyo na mabawasan ang iyong panganib sa pagkawala ng paningin. Kung pinapamahalaan mo ang iyong diabetes at iba pang problema sa kalusugan, hindi gaano malamang na mangyari ang ganitong kondisyon sa mata. Mahalaga rin na magpatingin sa isang tagapangalaga ng kalusugan ng mata humigit-kumulang isang beses sa isang taon. O ayon sa ipinayo. Magsasagawa siya ng eksaminasyon ng nakadilat na mata. Ginagawa ito upang suriin ang likod ng mata. Tumutulong ito upang hanapin ang anumang problema sa mga daluyan ng dugo ng iyong retina.
Pamahalaan ang iyong diabetes
 |
Madalas hangga't maaari, panatilihing nasa target na saklaw ang iyong asukal sa dugo. |
Tumulong sa pangangalaga ng iyong paningin sa pamamagitan ng:
-
Pagpapanatiling nasa malusog na saklaw ang lebel ng iyong asukal sa dugo
-
Pagsusuri nang madalas sa iyong asukal sa dugo
-
Sundin ang iyong plano sa pamamahala ng diabetes
-
Maingat na pag-eehersisyo. Pipigilan ka nito mula sa paglalagay ng labis na presyon sa mga daluyan ng dugo sa likod ng iyong mata.
-
Makipagtulungang mabuti sa iyong mga tagapangalaga ng kalusugan. Makatutulong sila kung hindi mo mapanatiling nasa saklaw ang iyong asukal sa dugo. Maaaring kasama sa mga ito ang isang tagapangalaga na ang espesyalisasyon sa medisina ay diabetes (endocrinologist). Maaaring siya ay ang pangunahing tagapangalaga. O sinumang iba pang tagapangalaga ng kalusugan na tumutulong na pamahalaan ang iyong diabetes.
Kontrolin ang iyong mga dahilan ng panganib
May iba pang mga dahilan na nakapipinsala sa mga daluyan ng dugo. Maaari nitong palalain ang diabetic retinopathy. Kabilang sa mga dahilang ito ang:
Makipagtulungan sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan upang kontrolin ang mga problemang ito. Makatutulong ito na pababain ang iyong panganib sa diabetic retinopathy. Makatutulong din ang isang tagapagturo sa diabetes. Makatutulong siya sa iyo na kontrolin ang presyon ng dugo. At mataas na kolesterol. At masasabi nila sa iyo ang tungol sa mga programa na tutulong sa iyo na ihinto ang paninigarilyo. Mahalaga rin na matingnan ng isang tagapangalaga ng mata isang beses sa isang taon, o ayon sa ipinayo. Mahalaga ito kahit mukhang maayos ang iyong paningin.
Upang malaman ang higit pa
Maaaring makatulong sa iyo ang mga mapagkukunang nasa ibaba upang matuto nang higit pa:
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Online Medical Reviewer:
Robert Hurd MD
Date Last Reviewed:
7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.