Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diabetes: Paggamot sa Bahagyang mga Impeksiyon sa Paa

Mas pinahihirap ng diabetes na maghilom ang katawan. Maaari ding maging dahilan ng pagkasira ng nerbiyo ang diabetes. Ibig sabihin nito na maaaring hindi mo maramdaman ang sugat sa iyong paa. Maaaring maimpeksiyon kahit ang mga bahagyang problema sa paa, gaya ng paltos. Kung hindi magamot, maaaring kumalat ang impeksiyon at masira ang mga kalapit na tisyu. Maaaring kailanganin mo ng paggamot sa ospital. Maaaring magresulta ang malulubhang impeksiyon sa pagkaputol ng daliri sa paa o paa. Makatutulong ang maagap na pangangalaga ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na maalis ang mga impeksiyon at maiwasan ang malulubhang problema.

Tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nagsusuri sa paa ng babae.

Magpagamot

Kung makakita ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng bahagyang impeksiyon sa paa, sisimulan ang paggamot sa iyo. Ang layunin ay mapaghilom ang bahaging may impeksiyon. At upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Sundin ang lahat ng tagubilin sa paggamot mula sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan.

  • Susuriin at lilinisin ng iyong tagapangalaga ang bahaging may impeksiyon.

  • Susukatin niya ang haba, lapad, at lalim ng bahaging may impeksiyon. Sa ganoong paraan, masasabi ng iyong team sa pangangalaga ng sugat kung gumagaling ang sugat o lumalaki sa bawat pagbisita. 

  • Maaaring bigyan ka ng iyong tagapangalaga ng mga antibayotiko para labanan ang impeksiyon. Inumin ang iyong antibayotiko ayon sa nakasulat sa bote. Inumin ang lahat ng gamot na ibinigay sa iyo, kahit magsimulang gumaling ang sugat. Kung hindi ka uminom, hindi mawawala ang impeksiyon at maaaring kumalat.

  • Maaaring palitan ng iyong tagapangalaga ang mga gamot para sa diabetes para mas makontrol ang iyong asukal sa dugo.

  • Maaaring hingin sa iyo na panatilihing tuyo ang bahaging may impeksiyon.

  • Maaaring sabihin sa iyo na panatilihing nakataas ang iyong mga paa o na limitahan ang paglakad. Maaaring mabagal maghilom ang pamamaga ng paa na may likido. Maaari ka ring sukatan ng molde o isa pang uri ng espesyal na sapatos para alisin ang presyon sa napinsalang bahagi.

  • Sundin ang anumang tagubilin na ibinigay sa iyo tungkol sa pagpapalit ng mga benda. Kasama sa ilang pangbenda o gel ang espesyal na mga produktong panlaban sa mikrobyo at mga pampatubo ng tisyu upang tumulong na maghilom ang sugat.

Follow-up na pangangalaga

Kapag mayroon kang diabetes, maaaring matagal na maghilom ang impeksiyon sa paa. Maaaring iyon din ang maging kaso kung umiinom ka ng mga antibayotiko o mayroong iba pang paggamot. Para sa pinakamahusay na resulta, tiyaking nasusunod ang iyong mga follow-up na pagbisita sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Masisiguro nila na naghihilom ang iyong sugat sa tamang paraan.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Suriin ang iyong mga paa araw-araw. Gumamit ng salamin para tingnan ang mga ilalim. Tingnan din ang mga pagitan ng bawat daliri sa paa. Tumawag agad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa bukas o bahaging may impeksiyon sa iyong mga paa. Maaari mong makuhanan ng litrato ang bukas na bahagi gamit ang iyong smartphone para ipadala sa iyong tagapangalaga. Bantayan ang mga palatandaang ito ng isang impeksiyon:

  • Pananakit

  • Pamumula

  • Mainit

  • Pamamaga

  • Pagtagas ng likido

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o katulad ng itinagubilin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan

Tumawag din sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa sumusunod:

  • Mga kalyo sa ibabaw ng paa, kalyo sa ilalim ng paa, paltos, o pamamaga sa hinlalaki ng iyong mga paa

  • Pamamaga ng mga paa o binti

  • Kuko ng daliri ng paa na may ingrown

  • Pangangati o pagbibitak sa pagitan ng bawat daliri sa paa

  • Tuloy-tuloy na panlalamig ng mga paa

  • Pananakit o pamumulikat sa iyong mga binti o mga paa habang naglalakad

  • Mga pagbabago sa kulay ng balat

Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer