Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangangala Pagkatapos ng Pagtutuli

Nagkaroon ang iyong anak ng isang pamamaraang tinatawag na pagtutuli (circumcision). Isang itong pamamaraan upang tanggalin ang balat (foreskin) ng sanggol. Ang foreskin ay isang suson ng balat na tinatakpan ang dulo (ulo ng ari) ng ari ng lalaki. Pinakamadalas itong ginagawa sa nursery bago umuwi ang isang lalaking sanggol mula sa ospital, kung piliin ng pamilyang isagawa ito. Maaaring gawin ang pagtutuli sa ilang paraan. Ipapaliwanag ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang pamamaraan at sasabihin sa iyo kung anong aasahan. Sundin ang mga patnubay na nasa polyetong ito at mga tagubilin mula sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol upang pangalagaan ang iyong anak pagkatapos ng pagtutuli.

Alamin kung ano ang aasahan

  • Maaaring lumabas ang isang pang-ibabaw na madugo o madilaw na balot sa paligid ng ulo ng ari. Ito ay normal. Huwag linisin ang pang-ibabaw o maaari itong dumugo.

  • Maaaring mamaga nang kaunti ang ari o dumugo ng kaunti sa paligid ng hiwa.

  • Maaaring bahagyang mapula o maitim at bughaw ang ulo ng ari.

  • Maaaring umiyak ang iyong anak sa simula kapag umiihi, o maging maselan para sa unang ilang araw.

  • Maaaring makatulong ang balat sa balat na pagkandong at pagpapasuso para mabawasan ang pananakit.

  • Dapat maghilom ang balat sa loob ng halos 7 hanggang 10 araw.

Panatilihing malinis ang ari

  • Marahang hugasan ang ari ng maligamgam na tubig sa tuwing magpapalit ng lampin kung may dumi rito.

  • Gumamit ng malambot na bimpo. Huwag kuskusin ang mahapding bahagi. Maaari nitong pabagalin ang paggaling o magdulot ng pagdurugo.

  • Hayaang matuyo sa hangin ang balat.

  • Madalas na palitan ang mga lampin upang makatulong na maiwasan ang impeksiyon.

  • Lagyan ang ulo ng ari ng petroleum jelly at gasa kung sinabi ng tagapangalaga ng kalusugan.

    Isang kamay hawak ang bagong silang na lalaking sanggol sa pagpalit ng diaper pad at isa pang kamay na nililinis ang ari ng sanggol.

Para sa Gomco o Mogen na clamp

  • Kung may gasa o benda sa ari, sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailan tatanggalin ito, papalitan ito, o pareho.

Para sa device na Plastibell

  • Hayaang mahulog nang kusa ang ring. Maaari itong tumagal sa pagitan ng 3 hanggang 10 araw.

  • Tawagan ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mahulog ang singsing sa unang 2 araw o nanatili nang higit pa sa 10 araw.

Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Napakapula o sobrang namamaga ang ari ng iyong sanggol.

  • May lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas ang iyong anak, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Kumikilos ang iyong anak nang napakatamlay, walang sigla, maselan, o tumatangging kumain. 

  • May tumatagas o pag-agos na mukhang malabo o hindi nawawala.

  • Hindi mapigilan ang pagdugo sa paglalagay ng banayad na presyon o mas malaki sa quarter-size ng lampin.

  • Hindi normal ang pag-ihi ang iyong sanggol

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer