Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pamamahala sa Iyong Asukal sa Dugo para sa Diabetes at Sakit sa Bato

Ginagawa ng diabetes ang iyong katawan na hindi gaanong magamit ang mga pagkaing iyong kinakain para sa enerhiya. Nagiging sanhi ito upang maipon ang asukal (glucose) sa dugo. Sa paglipas ng panahon, maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo sa iyong mga bato ang pagkakaroon ng labis na glucose sa iyong dugo. Humahantong ito sa sakit sa bato.

Ngunit sa pagkontrol ng iyong diabetes, mapapanatili mo ang malusog na lebel ng asukal sa dugo. Mapababagal o maiiwasan nito ang pagkasira ng bato. At tutulungan nito ang mga gamot sa diabetes na tumatalab sa bato na gumanang mabuti. 

Pagpapanatili ng iyong asukal sa dugo sa target na saklaw

Ang pinakamainam na paraan upang panatilihin sa malusog na lebel ang iyong asukal sa dugo ay:

  • Sundin ang iyong plano ng pagkain para sa diabetes.

  • Mag-ehersisyo nang regular.

  • Inumin ang iyong gamot ayon sa itinagubilin.

  • Suriin ang iyong asukal sa dugo nang kasing dalas ayon sa itinagubilin.

Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ang iyong asukal sa dugo ay madalas na mababa sa 80 o mas mataas sa 200.

Pagsusuri ng iyong asukal sa dugo

  • Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis na dumadaloy na tubig. Tuyuin nang mabuti ang mga ito.

  • Sundin ang mga tagubilin sa paglalagay ng test strip sa meter.

  • Tusukin ang bahagi ng iyong daliri gamit ang maliit na karayom (lanseta). Marahang pisilin ang iyong daliri hanggang sa makakuha ka ng sapat na dugo. Kung hindi ka makakuha ng sapat na dugo, hawakan pababa ang iyong kamay sa iyong gilid at marahan itong kalugin.

  • Maglagay ng isang patak ng dugo sa test strip ayon sa mga tagubilin ng meter.

  • Basahin at irekord ang iyong mga resulta.

Lalaking ginagamit ang lanseta sa daliri. Ang glucometer at test strips ay nasa mesa..

Kung mayroon kang mababang asukal sa dugo

Kung masyadong mababa ang iyong asukal sa dugo, maaari kang magkaroon ng pananakit ng ulo o makaramdam ng gutom, panghihina, panginginig, pagkahilo, pamamawis, o nerbiyos. Suriin ang iyong asukal sa dugo. Kung masyado itong mababa:

  • Kumain ng asukal na mabilis tumalab, tulad ng 6 matitigas na candy, 1/2 tasa ng juice, o 3 hanggang 4 na tableta ng glucose.

  • Muling suriin ang iyong asukal sa dugo sa loob ng 15 minuto.

  • Kung masyado pa ring mababa ang iyong asukal sa dugo, kumain ng isa pang dosis ng asukal na mabilis tumalab. Humingi ng medikal na pangangalaga kung hindi ka pa rin gumagaling pagkatapos nito.

  • Kumain ng masustansyang meryenda kapag bumalik na sa normal na saklaw ang iyong asukal sa dugo. 

Kung mayroon kang mataas na asukal sa dugo

Kung masyadong mataas ang iyong asukal sa dugo, maaari kang makaramdam ng pagkauhaw, panghihina, pagkahilo, o pagduduwal. Maaari kang magkaroon ng panlalabo ng paningin o madalas na pag-ihi. Suriin ang iyong asukal sa dugo. Kung masyado itong mataas:

  • Uminom ng mga likidong walang asukal, gaya ng tubig o soda na pang-diyeta.

  • Gumamit ng karagdagang insulin o gamot kung sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga.

  • Tumawag sa iyong tagapangalaga kung hindi mabuti ang iyong pakiramdam sa loob ng 1 oras.

Online Medical Reviewer: Chris Southard RN
Online Medical Reviewer: Rajadurai Samnishanth Researcher
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer