Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-angkop sa Pagbubuntis: Unang Tatlong Buwan

Habang nag-a-adjust ang iyong katawan sa iyong unang tatlong buwan ng pagbubuntis, maaaring kailanganin mong baguhin o limitahan ang iyong mga pang-araw-araw na gawain. Kakailanganin mo ng mas maraming pahinga. Maaaring kailanganin mo ring gamitin nang mas matalino ang iyong enerhiya.

Ang iyong nagbabagong katawan

Apektado ang halos bawat bahagi ng iyong katawan habang umaangkop ka sa pagbubuntis. Magsisimulang lumambot kaagad ang matris at ang cervix. Maaaring hindi pa buntis ang itsura mo sa unang 3 buwan. Ngunit malamang na mayroon ka ng ilang karaniwang palatandaan ng maagang pagbubuntis:

  • Pagduduwal

  • Pagkahapo

  • Madalas na pag-ihi

  • Pabagu-bagong mood

  • Pamamaga ng tiyan

  • Pagtitibi

  • Pangangasim ng sikmura

  • Lumampas o mahinang regla (pagdurugo sa unang tatlong buwan)

  • Pagiging sensitibo sa sakit ng utong o suso at pamamaga ng suso

Hindi pa huli ang lahat upang magsimula ng mabuting kinaugalian

Ang mahalaga ay protektahan ang iyong sanggol mula sa panahong ito. Kung ikaw ay naninigarilyo, umiinom ng alak o gumagamit ng droga, ngayon ang panahon upang huminto. Kung kailangan mo ng tulong, makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan:

  • Pinatataas ng paninigarilyo ang panganib ng pagkamatay ng iyong sanggol sa pagsilang o pagkakaroon ng sanggol na may mababang timbang. Kung ikaw ay naninigarilyo, tumigil na.

  • Ang mga alak at droga ay naiugnay sa pagkalaglag, mga depekto sa pagsilang, kapansanan sa pag-iisip, at mababang timbang sa pagsilang. Huwag uminom ng alak o gumamit ng droga.

Mga payo upang mapaginhawa ang pagduduwal

Sa panahon ng pagbubuntis, maaaring mangyari ang pagduduwal anumang oras ng araw, ngunit maaaring malala ito sa umaga. Upang makatulong na maiwasan ang pagduduwal:

  • Kumain ng kaunti at magaan na pagkain na madalas ang pagitan.

  • Uminom ng mga likido nang madalas.

  • Dahan-dahang tumayo. Kumain ng kaunting biskwit na walang asin bago ka bumangon.

  • Iwasan ang mga amoy na hindi mo matiis.

  • Iwasan ang mga pagkaing maanghang at matataba.

  • Kumain ng isang ice pop na paborito mo ang lasa.

  • Magkaroon ng maraming pahinga.

  • Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa pag-inom ng salabat o bitamina B6 para sa pagduduwal at pagsuka.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung umiinom ka ng mga bitamina na nagpapasakit sa iyong sikmura.

    Umiinom ang babae ng isang basong tubig.

Mga alalahanin sa trabaho

Magandang panahon ang pagtatapos ng unang tatlong buwan upang talakayin ang pagtatrabaho sa panahon ng pagbubuntis sa iyong employer. Sundin ang payo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailangan ng iyong trabaho na tumayo ka nang matagal, magtrabaho gamit ang mga mapanganib na kagamitan, o maging umupo sa isang mesa buong araw. Maaaring kailangang i-adjust ang iyong espasyo sa trabaho, dami ng trabaho, o mga nakaiskedyul na oras. Marahil maaari mong baguhin ang mga postura ng katawan nang mas madalas o dagdagan ang pahinga.

Payo sa pagbiyahe

Makipag-usap muna sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, ngunit maaaring pinakamagandang panahon ang ikalawang tatlong buwan para sa anumang pagbiyahe. Maaari kang payuhan na iwasan ang ilang biyahe habang buntis ka. Maaaring ikabahala ang pagkain at tubig sa mga umuunlad na bansa. Magandang pagpipilian ang pagbiyahe gamit ang kotse, dahil makakahinto ka, makalalabas, at makakapag-inat. Magdala ng mga meryenda at tubig. Isara ang lap belt sa ibaba ng iyong tiyan, mababa sa iyong mga balakang. Lagi ring siguraduhin na isuot ang shoulder harness.

Pagiging matalik

Maliban kung sinabi sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan, walang dahilan na ihinto ang pakikipagtalik habang buntis ka. Ikaw o ang iyong partner ay maaaring mapansin ang mga pagbabago sa pagnanasa. Maaaring mas mababa ang pagnanasa sa unang tatlong buwan dahil sa pagduduwal at pagkapagod. Sa ikalawang tatlong buwan, maaaring maging lubhang kasiya-siya ang pagtatalik. Maaaring maging hamon ang ikatlong tatlong buwan sa kaginhawahan. Subukan ang iba't ibang posisyon at tingnan kung ano ang pinakamainam para sa inyong dalawa.

Paano nakaaapekto ang mga pang-araw-araw na isyu sa iyong kalusugan

Maraming bagay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang nakaaapekto sa iyong kalusugan. Kabilang dito ang transportasyon, mga problema sa pera, pabahay, access sa pagkain, at pag-aalaga ng anak. Kung hindi ka makakakuha ng mga medical na appointment, maaaring hindi ka makatanggap ng pangangalaga na kailangan mo. Kapag kulang ang pera, maaaring mahirap na mabayaran ang mga gamot. At maaaring maging mahirap na bumili ng masustansyang pagkain ang pagtira na malayo sa isang grocery store.

Kung mayroon kang mga alalahanin sa alinman sa mga ito o iba pang larangan, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may alam silang mga lokal na mapagkukunan upang tulungan ka. O maaaring mayroon silang tauhan na makatutulong sa iyo.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer