Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pamamahala ng Timbang: Gawin Ito at Ipatupad Ito

Madaling mahikayat kapag nagsisimula ka. Pinakamahalaga na manatiling ganap na nahihikayat at magkaroon ng makatotohanan at makakamit na mga layunin. May mga bagay na maaari mong magawa upang mapanatili ang iyong sarili sa landas tungo sa tagumpay.

Babaeng nagsusulat sa journal.

Subaybayan ang pagbaba ng iyong timbang

Huwag magpokus sa araw-araw na pagtaas at pababa ng timbang. Sa halip, timbangin ang iyong sarili nang hindi hihigit sa isang beses sa isang linggo sa parehong oras ng araw. Marahil madidismaya ka lang sa pagtimbang sa iyong sarili bawat araw. Humanap ng isang kaibigan na kailangan ding magbawas ng kaunting timbang at maaari ninyong palakasin ang loob ng isa't isa.

Manatiling nahihikayat

Narito ang mga mungkahi para mapanatili kang nahihikayat: 

  • Ipaalala sa iyong sarili ang iyong mga layunin. I-post ang mga ito malapit sa refrigerator o mesa kung saan ka nagtatrabaho.

  • Gumawa ng mga pang-araw-araw na entry sa iyong diary o journal tungkol sa iyong aktibidad at pagkain. Isang biswal na paalala ng tagumpay, tulad ng isang gintong bituin, ang makatutulong sa iyo na magpatuloy.

  • Linggo-linggo, maglaan ng oras upang balikan kung gaano kalaki ang iyong mga nagawa, at ang mga pagbabagong maaari mong nagawa.

  • Subukang kumuha ng isang klase sa nutrisyon. Makatutulong ito sa iyo na matuto ng mga bagong kasanayan sa pamimili, pagluluto, at pagkain, at makakakilala rin ng mga bagong tao. Maaari mong subukan ang isang klase sa pagluluto na kakaunti ang taba o klase ng yoga.

  • Huwag maging mahigpit sa iyong sarili o sumuko kung nagkamali. Maging matiyaga. Matuto sa iyong mga pagkakamali at i-adjust ang iyong plano kung kinakailangan. Pagkatapos, balikan ito kaagad.

  • Maging makatotohanan sa iyong mga layunin. Makipag-usap sa isang dietitian o sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung anong mga layunin ang makatuwiran para sa iyo. 

Maniwala ka na kaya mo

Kasing halaga ng iyong ginagawa ang kung paano mo iniisip ang tungkol sa iyong sarili. Kung sa palagay mo ay hindi ka magtatagumpay, malamang na hindi nga. Maniwala na kaya mong manatili sa iyong plano at maabot ang iyong mga layunin:

  • Kung hindi mo maaabot ang isang layunin, huwag mo itong gawing dahilan para isuko ang iyong buong plano. I-adjust ang iyong layunin at subukan ulit.

  • Subukang unawain ang sariling mong ugali tungkol sa pagkain.  Napapailalim ka ba sa emosyonal na pagkain?

  • Pag-aralan kung paano tumanggap ng mga papuri. Kahit na nahihiya ka, sabihin mo lang na “salamat.”

  • Gumawa ng isang listahan ng mga bagay na gusto ng iba tungkol sa iyo at gusto mo tungkol sa iyong sarili. Magdagdag ng bago paminsan-minsan. Ingatan ang listahang ito upang tingnan kapag kailangan mong gumanda ang pakiramdam.

Upang matuto nang higit pa

  • The President’s Council on Fitness, Sports & Nutrition

    www.fitness.gov

  • Academy of Nutrition and Dietetics

    www.eatright.org

  • Healthfinder

    www.healthfinder.gov

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer