Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Problema sa Cervical Disk

May 3 natural na kurba ang gulugod. Nasa leeg ang cervical na kurba. Nabubuo ito sa itaas na bahagi ng gulugod. Kilala rin ang bahaging ito na cervical spine. Sinasabi sa iyo ng pahinang ito ang marami pa tungkol sa mga bahagi ng cervical spine at mga napinsalang disk. Karaniwang problema ito na makaaapekto sa cervical spine. Hindi kailangan ng operasyon ng karamihang tao para dito. 

Ang malusog na cervical spine

Binubuo ang gulugod ng mga bahaging ito:

  • Vertebrae. Ito ang mga buto na nakasalansan gaya ng mga building block na bumubuo sa gulugod. Nagtataglay ang leeg ng unang 7 vertebrae ng gulugod.

  • Mga disk. Ang mga ito ay maliliit na pad ng tisyu na nasa pagitan ng vertebrae. Tumutulong ang mga ito na magsilbing kutson at protektahan ang vertebrae at bigyang-daan ang iyong gulugod na gumalaw.

  • Ang spinal cord. Ito ay tisyu ng nerbiyo na tumatagos sa isang malaking gitnang puwang (spinal canal) na binubuo ng vertebrae.

  • Ugat ng nerbiyo (Nerve root). Sumasanga ang mga ito mula sa spinal cord at naghahatid ng mga signal sa katawan.

  • Foramina. Ang mga ito ay mas maliliit na puwang sa bawat panig ng vertebrae. Ang mga ugat ng nerbiyo at ang mga nerbiyo na nabubuo ng mga ito ay humahantong sa iyong leeg, mga balikat, braso, at kamay mula sa spinal cord sa pamamagitan ng mga puwang na ito.

Larawan ng malusog na cervical spine

Mga napinsalang disk sa cervical spine

Ang karaniwang problema sa cervical spine ay ang napinsalang disk. Maaaring mapinsala ang isang disk ng isang biglaang paggalaw. Maaari itong magdulot upang umumbok ang isang disk o bumuka (herniate). O maaaring unti-unting mapudpod ang isang disk sa paglipas ng panahon (kusang masira). Maaaring magking sobrang patag ang napudpod na disk. Pagkatapos, sasayad o dadausdos nang pabalik-balik ang vertebrae sa itaas at ibaba nito. Habang napupudpod ang mga disk, maaaring mabuo ang abnormal na mga pagtubo ng buto (mga bone spur) sa vertebrae. Maaari ding mabuo ang mga bone spur sa foramina. Sanhi ito upang kumipot ang mga ito (stenosis) at dumiin sa ugat ng nerbiyo.

Kung sa palagay ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na mayroon kang napinsalang disk, maaaring magkaroon ka ng mga pagsusuri upang kumpirmahin ang problema. Maaaring sumailalim ka sa alinman sa mga ito:

  • MRI

  • CT scan

  • Flexion-extension X-ray films

  • Electromyography (EMG)

  • Mga pag-aaral ng nerve conduction

Makikipagtulungan sa iyo ang iyong tagapangalaga ng kalusugan upang planuhin ang paggamot ayon sa kinakailangan. 

Ang larawan sa itaas ay herniated disk at ang larawan sa ibaba ay bone spurs

Online Medical Reviewer: Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer: Luc Jasmin MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 11/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer