Kalusugan ng Likod Pagkatapos ng Operasyon
Makatutulong sa iyo ang pag-iingat sa iyong kalusugan upang mas mabilis na gumaling, mas gumanda ang pakiramdam, at mabawasan ang panganib ng muling pagkapinsala. Kasama sa mga dahilan na maaaring makaapekto sa iyong kalusugan at sa kalusugan ng iyong likod ang stress, labis na timbang, paninigarilyo, at kung paano mo ginagamit ang iyong likod. Sa pag-aasikaso sa mga problemang ito ngayon, maaari kang matulungan na mapanatiling malusog ang iyong likod sa kalaunan.
Paglalabas ng tensyon
Maaaring humantong ang stress sa mga banat at napakasakit na mga kalamnan. Subukan ang mga pamamaraang ito sa paglalabas ng tensyon:
-
Malalim na paghinga. Makatutulong sa iyo na magrelaks ang mabagal, kalmado, at malalim na paghinga. Lumanghap ng hangin sa loob ng bilang na 5 o higit pa. Pagkatapos, dahan-dahang ibuga ito.
-
Paglalarawan sa isip. Pag-iisip ng isang mapayapa at tiwasay na eksena na maaaring magbigay sa iyo ng pakiramdam na pagkontrol sa iyong katawan at mga kapaligiran.
-
Progresibong pagpapahinga. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbanat at pagkatapos ay pagpapalaya ng mga grupo ng kalamnan. Simulan sa itaas ng iyong ulo at gawin pababa sa iyong katawan. Banatin ang bawat grupo ng kalamnan sa loob ng 5 hanggang 10 bilang. Pagkatapos, palayain ang grupo ng kalamnan sa parehong haba ng oras.
Kontrolin ang iyong timbang
Pinatataas ng labis na timbang ang dinadala ng iyong ibabang likod at maaaring gawing mas malamang na magkaroon ka ng pinsala sa kasukasuan. Pinatataas din nito ang iyong panganib para sa diabetes, mataas na presyon ng dugo, at sakit sa puso. Kaya, sa pananatiling malusog ng timbang mas kaunti ang kalamangan na mapinsala ang iyong likod. At mahalaga ito para sa iyong pangkalahatang kalusugan. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa ehersisyo at mga pagbabago sa iyong diyeta kung kailangan mong magbawas ng timbang. Maaaring magpayo ang iyong tagapangalaga ng programa sa pagbabawas ng timbang para makatulong.
Paglalakad para sa kalusugan ng likod
Bahagi ng iyong paggaling ang paglakad. Isa rin ito sa mga pinakamabuting bagay na magagawa mo para mapanatili ang kalusugan ng iyong likod mula ngayon. Mapagiginhawa rin ng regular na ehersisyo ang stress at tutulungan kang pamahalaan ang iyong timbang. Ugaliing maglakad nang madalas.

Pagbubuhat
Magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung gaanong bigat ang maaari mong buhatin at kailan. Huwag kailanman yumuko mula sa baywang upang buhatin ang isang bagay mula sa lupa, kahit na magaan ito. Laging itiklop ang iyong mga tuhod para magbuhat ka gamit ang lakas ng iyong mga binti at panatilihing malapit sa iyong katawan ang bagay. Huwag kailanman ipihit ang iyong likod habang nagbubuhat ka.
Kung naninigarilyo ka, tumigil na!
Maaaring pabagalin ng paninigarilyo at iba pang produktong nikotina ang iyong paggaling mula sa operasyon. Pinipigil nito ang iyong mga kalamnan na makakuha ng oxygen na kailangan ng mga ito at pinahihina ang pagbuo ng bagong buto, na kinakailangan kung nagkaroon ka ng spinal fusion. At maaari nitong gawing mas madaling mapinsala ang iyong mga disk. Kung naninigarilyo ka o gumagamit ng mga produktong nagtataglay ng nikotina, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung paano huminto. Maaaring magrekomenda ang iyong tagapangalaga ng isang klase sa paghinto sa paninigarilyo o magreseta ng gamot o mga pantulong upang tulungan kang huminto. Maging matiyaga. Madalas na kailangang ang mahigit sa isang pagsubok upang magtagumpay sa paghinto.
Online Medical Reviewer:
Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer:
Luc Jasmin MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.