Bago ang Pagpapalit ng Lahat ng Balakang: Paghahanda para sa Iyong Paggaling
Maaaring kinakabahan ka tungkol sa pagkakaroon ng bagong balakang. Ngunit kapag mas handa ka bago ang operasyon, malamang magiging mas madali ang iyong programa ng paggaling (rehabilitasyon, o rehab). Iyon ay dahil nakatutulong ang paghahanda na mabigyan ka ng lakas at mga kasanayan na kakailanganin mo pagkatapos ng operasyon. Kaya magsimula nang maghanda ngayon. Naroroon ang iyong team ng pangangalaga ng kalusugan para tumulong.
Bakit nakatutulong ang paghahanda para sa paggaling
Magagawa mong mas mabilis ang iyong paggaling at mas komportable sa pamamagitan ng:
-
Pagpapalaki ng mga kalamnan na sumusuporta sa kasukasuan ng iyong balakang. Tumutulong itong panatilihing matatag ang iyong balakang habang nagpapagaling ka.
-
Pagpapalakas ng iyong mga braso. Mas mapadadali nito ang paggamit ng mga pantulong sa paglalakad pagkatapos ng operasyon.
-
Paghahanda ng iyong bahay bago ang operasyon. Gagawin nitong mas madali at mas ligtas ang paglilibot.
-
Pag-aaral kung paano protektahan ang iyong bagong balakang. Pagkatapos ng operasyon, maaaring kailanganin mong iwasan ang ilang paggalaw. Nakadepende ang mga paggalaw na maaaring kailangan mong iwasan sa uri ng pagpapalit ng balakang na ginawa sa iyo. Tutulungan ka ng iyong siruhano at mga therapist na malaman at matandaan ang mga hakbang pangkaligtasan na ito.
Ang iyong team

Para maghanda sa operayson at pagpapagaling, makikipagtulungan ka sa iyong team ng pangangalaga ng kalusugan:
-
Magdidisenyo ang iyong physical therapist (PT) ng programa sa paggalaw para magkaroon ng lakas at tumulong sa pagpapagaling.
-
Tuturuan ka ng iyong occupational therapist (OT) kung paano gawing mas ligtas at mas madali ang mga pang-araw-araw na gawain.
-
Ooperahan ka ng iyong orthopedic surgeon at pamamahalaan ang iyong kabuuang paggamot.
-
Makikipagtulungan ang iyong nars o tagapamahala ng kaso sa iyong pangangalaga.
Pag-unawa sa iyong tungkulin
Pagdating sa paghahanda para sa paggaling, ikaw ang bahala sa karamihan ng mga gawain. Maglaan ng oras bawat araw para sa mga ehersisyong ibinibigay sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Palaging sundin ang mga tagubilin ng iyong physical therapist o siruhano.
Online Medical Reviewer:
Rahul Banerjee MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Date Last Reviewed:
4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.