Continuous Positive Airway Pressure (CPAP)
Nagreseta ng CPAP (continuous positive airway pressure) therapy ang iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa iyo. Tumutulong sa iyo ang CPAP device na huminga nang mas maayos sa gabi. Nagdadala ng daloy ng hangin ang device sa pamamagitan ng iyong ilong o bibig kapag lumalanghap ka ng hangin. Pinananatili nitong nakabukas ang iyong mga daluyan ng hangin. Ang CPAP ay:
-
Kadalasang ginagamit upang gamutin ang sleep apnea at ilang iba pang problema. Isang pangmatagalang (hindi gumagaling) kondisyon ang sleep apnea. May mga yugto ka ng pagtulog na kung saan panandalian kang tumitigil sa paghinga.
-
Ligtas at maayos na gumagana. Ngunit kailangan ng panahon upang masanay sa mask.
Bibigyan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan, nars, o medical supplier ng mga payo sa pagsusuot at pag-iingat sa iyong CPAP device.
Mga pangkalahatang tagubilin
Kasama sa payo ang:
-
Napakahalaga na hindi sumuko! Kailangan ng panahon upang masanay sa pagsusuot ng mask sa gabi.
-
Magsanay sa paggamit ng iyong CPAP device sa araw. Gawin ito kapag umiidlip ka.
-
May iba't ibang uri ng mga mask. Kung hindi ka masanay sa iyong mask, itanong sa iyong tagapangalaga o kompanya ng medical supply ang tungkol sa pagsubok ng isa pang estilo.
-
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga o kompanya ng medical supply kung mayroon kang pagbabara o pagkatuyo ng ilong kapag ginagamit ang iyong CPAP device. May mga paraan upang mapadali ang mga problemang ito. Halimbawa, maaaring magpayo ang iyong tagapangalaga na gumamit ng spray sa ilong. O maaaring magpayo ang kompanya ng medical supply ng device na may humidifier.
-
Layunin na gamitin ang iyong CPAP sa buong gabi, tuwing gabi, at sa lahat ng pag-idlip. Gamitin ito kahit kapag bumibiyahe ka.
-
Panatilihing malinis ang iyong mask. Hugasan ito gamit ang sabon at tubig. Siguraduhing banlawang mabuti ang mask at tubo gamit ang tubig upang alisin ang anumang sabon. Hayaang matuyo ang mga ito sa hangin bago gamitin.
-
Gawing kumportable ang iyong sarili kapag natutulog na may CPAP. Subukang gumamit ng karagdagang unan.
Makipagtulungan sa iyong kompanya ng medical supply para alam mo kung paano gamitin nang tama ang iyong CPAP. Matutulungan ka ng tauhan ng kompanya na:
-
Gamitin nang wasto ang CPAP
-
Lutasin ang anumang problemang mangyari
-
Matutunang linisin at panatilihin ang device
-
Masanay na gamitin ang CPAP araw-araw
Ibinibigay ang mga setting ng CPAP device bilang mga sentimetro ng tubig (cm/H2O). Iba't iba ang mga setting ng pressure ng bawat tao. Sasabihin sa iyo ng iyong tagapagangala ng kalusugan kung ano ang mga setting na gagamitin. Huwag kailanman palitan ang setting ng pressure ng iyong CPAP maliban kung sinabi ng iyong tagapangalaga.
CPAP ____________cm/H20 pressure kapag lumalanghap ng hangin
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.