Para sa mga Tagapag-alaga: Problema sa Paglunok Pagkatapos ng Stroke
May ilang tao ang nahihirapan sa paglunok (dysphagia) pagkatapos ng stroke. Ito ang siyang nagdudulot ng pagkabulunan. Ito rin ay naghahatid sa kalusugan ng pasyente sa lalong panganib sa mga kondisyon tulad ng aspiration pneumonia. Sa ilang pagkakataon, maaaring gawin ang espesyal na X-ray upang hanapin ang lawak ng problema. Upang mapanatili ang kailangang nutrisyon, maaaring turuan ng therapist sa pagsasalita ang iyong mahal sa buhay ng mga paraang sa paglunok.
Pag-aaral ng mga Bagong Paraan sa Pagkain
Kung problema ang paglunok, ang pagbabago sa diyeta at posisyon ng katawan ay maaaring makatulong. May ilang pasyente ang inuutusang ibaling ang ulo sa partikular na panig upang makatulong sa paglunok. Ang pagdagdag ng pampakapal sa likido ay makakatulong din upang mapabilis ang paglunok. May ilang pasyente ang kailangang iwasan ang mga mainit o malamig na aytem. Kung hindi makakain o makainom ang pasyente sa bibig, maaaring kailanganin ang paggamit ng tubo sa pagpapakain (feeding tube). Kapag bumubuti na ang paglunok, ang mga paghihigpit ay ia-adjust.
Pagdagdag ng Kontrol sa Kalamnan
Maraming pasyente ang natutulungan ng pag-ehersisyo. Ang iba ay nakakapagpalakas ng kalamnan sa bibig upang mapabuti ang paglunok. Ang iba ay napapabuti ang paggalaw ng dila at pagsara ng labi. Pinananatili nito ang pagkain sa bibig hanggang handa nang lumunok ang tao.
Gabay sa Pagkain at Inumin
Tuturuan ka ng therapist sa pagsasalita kung anong anyo ng pagkain at likido ang ligtas na lunukin ng pasyente. Talakayin ang mga halimbawa ng pagkain na gusto ng pasyente.
Mga Pagkain:
Wala sa pamamagitan ng bibig/tube feeding
Pureed
Malambot
Normal
Iba pa __________________
|
Mga Likido:
Wala sa pamamagitan ng bibig/tube feeding
Kasingkapal ng pulot
Kasingkapal ng nektar
Manipis
Iba pa __________________
|
Online Medical Reviewer:
Foster, Sara, RN, MPH
Online Medical Reviewer:
Gandelman, Glenn, MD, MPH
Online Medical Reviewer:
Image reviewed by StayWell art team.
Date Last Reviewed:
5/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.