Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diabetes: Pagsubaybay sa Pagsulong ng Iyong Kalakasan ng Katawan

Maaari kang tulungan ng pagsubaybay sa pagsulong ng kalakasan ng iyong katawan na mapabuti ang iyong pangmatagalang kalusugan. Maaaring lumakas ang loob mo na gumawa pa ng marami kung makikita mo kung gaano na kalayo ang iyong narating. Maaari ding gumamit ng rekord ng iyong pagsulong ang iyong tagapangalaga ng kalusugan upang makatulong na planuhin ang iyong paggamot. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-iisip ng isang gawain pampalakas ng katawan, makipag-usap sa iyong tagapangalaga. Magkasama kayong makahahanap ng ligtas na aktibidad na masisiyahan ka.

Pagrekord ng mga lebel ng iyong asukal sa dugo

Maaaring naipakita na sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung paano suriin ang iyong asukal sa dugo. Ngayong mas aktibo ka na, maaaring kailanganin mong suriin ito nang mas madalas, gaya ng dati at pagkatapos ng pag-eehersisyo. Itanong sa iyong tagapangalaga kung ano ang maimumungkahi niya. Magpanatili ng listahan ng asukal sa dugo. Sa paraang iyon maaari mong makita kung paano nagbubunga ang iyong mga pagsisikap. Maaari ka ring magsama ng isang hanay para sa mga sukat ng asukal sa dugo sa isang listahan ng lakas ng katawan (tingnan ang Pagpapanatili ng isang Listahan ng Lakas ng Katawan sa ibaba). Dalhin ang iyong mga listahan sa mga appointment mo. Maaari gamitin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang mga ito upang makatulong na magpasya kung papalitan ang iyong mga gamot.

Pagtatakda ng layunin sa pagpapalakas ng katawan

Binibigyan ka ng layunin sa pagpapalakas ng katawan ng isang bagay na iyong aabutin. Magtakda ng layuning kaya mong abutin. Wala itong magagawang mabuti kung higit pa sa iyong kakayahan ang iyong layunin. At pumili ng isang layunin na nakatutok sa aksyon. Maging tiyak. Halimbawa, maaaring ang iyong unang layunin ay gumawa ng 2, 10-minutong paglakad kada araw sa loob ng 1 linggo. Pagkatapos mong maabot ang iyong unang layunin, subukang gawing mas mapanghamon ang susunod. Mag-anyaya ng isang kaibigan na mag-ehersisyo kasama mo para mahikayat ninyo ang isa’t isa na magsikap tungo sa mga layunin ninyo. 

Pagpapanatili ng isang listahan ng lakas ng katawan

Isama ang pinakamahalagang impormasyon para sa iyo sa iyong listahan ng lakas ng katawan. Maaaring ito ay ang kung ano ang naramdaman mo bago, habang, o pagkatapos ng pag-eehersisyo. At huwag kalimutang isulat ang sukat ng iyong asukal sa dugo. Habang lumilipas ang panahon, ikumpara ang iyong unang tala sa mga pinakabagong tala. Maaari kang makakita ng pagtaas ng iyong antas ng lakas ng katawan at pagbaba ng iyong asukal sa dugo. Isulat kung ano-anong ehersisyo ang ginawa mo. Ito ay dahil maaaring magkaroon ng iba’t ibang epekto sa iyong asukal sa dugo ang aerobic, resistensiya, at iba pang mga uri ng ehersisyo. Kung gusto mo ang teknolohiya, maaari kang gumamit ng mga app na nagsusuri at nagrerekord ng mga katunayan ng lakas ng katawan. Maaaring kasama rito ang bilang ng mga minutong nag-ehersisyo ka, iyong tibok ng puso, bilang ng oras ng tulog, mga pagkaing kinain mo bago mag-ehersisyo, at distansyang nasakop. Maraming app ang nagbibigay ng arawan, lingguhan, at buwanang mga ulat.

Lalaking naglalagay ng impormasyon sa smart phone.

Ang gantimpala mo sa kalakasan ng katawan

Tumataas ang iyong tsansang maabot ang isang layunin kung nagpaplano ka ng isang premyo. Magsulat ng isang premyong mahalaga sa iyo na hindi pagkain. Halimbawa, maaaring mong gantimpalaan ang iyong sarili ng isang gabi sa sinehan, mga bagong damit na pang-ehersisyo, o nakakarelaks na musika.

Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer