Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Paghawak sa Iyong Sanggol Habang Nagpapasuso 

Pinakamahalaga ang kaginhawahan at posisyon sa matagumpay na pagpapasuso. Alamin kung paano iposisyon nang tama ang iyong sanggol sa dibdib. Piliin ang paghawak na pinakamainam para sa inyong dalawa. Maaaring kailanganin mong baguhin ang mga paghawak habang lumalaki ang iyong sanggol.

Laging tiyakin na magkadikit ang mga tiyan ninyo ng iyong sanggol.

"Nakahiga" ang sanggol sa natural na posisyon

Humiga sa sofa, kama, o naisasandal na upuan upang maging komportable ang iyong katawan sa 45-degree na anggulo, ngunit hindi nakalapat. Maaaring maging mas komportable ito kaysa nakaupo at nakasandal sa isang unan sa pagpapasuso.

Babaeng nagpapasuso ng sanggol sa nakatihayang posisyon.
"Nakatihayang" posisyon.

Narito ang ilang payo:

  • Idapa ang iyong sanggol sa iyong dibdib. Kapag nararamdaman ng iyong sanggol ang iyong katawan sa buong harap ng kanyang katawan, nagti-trigger ito sa kanyang mga pandama upang hanapin ang iyong utong. Hayaang lumipat ang iyong sanggol sa dibdib at kumapit nang wala ang iyong tulong. Gagawa ng isang "pugad" sa paligid ng iyong sanggol ang iyong mga braso.

  • Kapag dumidikit ang iyong sanggol, tiyaking higit ang nakikita mong areola sa itaas ng itaas na labi kaysa ibaba ng ibabang labi. Dapat itong tumulong na maprotektahan ang iyong mga utong mula sa pananakit.

Iba pang posisyon na maaari mong subukan

Cradle hold o “cross-cradle” hold

Narito ang ilang payo:

  • Umupo nang tuwid. Siguraduhing mayroon kang suporta sa likod at komportable at nakarelaks ka. Iangat ang iyong sanggol sa taas na hanggang suso. Gumamit ng unan sa ilalim ng iyong sanggol. Ihiga ang iyong sanggol nang patagilid sa unan upang dumidikit ang kanyang tiyan sa iyong tiyan. Gumamit ng upuan na may mga patungan ng braso para sa iyong mga braso.

  • Panatilihing nakapantay ang iyong mga tuhod sa iyong mga balakang. Maglagay ng bangkito o unan sa ilalim ng iyong mga paa kung kinakailangan.

  • Iduyan ang iyong sanggol. Siguraduhing sinusuportahang mabuti ng iyong braso ang katawan ng iyong sanggol (cradle hold). O gamitin ang iyong kamay upang suportahan ang ilalim ng ulo at leeg ng iyong sanggol (cross-cradle hold). 

  • Siguraduhing nakaharap at nakadikit ang katawan ng iyong sanggol sa iyong katawan na mas mataas ang ulo ng iyong sanggol kaysa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Mas madali para sa iyong sanggol na lumunok sa ganitong paraan.

Babaeng nagpapasuso ng sanggol sa pamamagitan ng cradle hold.
"Cradle" hold.

"Football" hold

Maaari mong gamitin ang football hold upang pasusuhin ang 2 sanggol nang sabay.

Narito ang ilang payo:

  • Maglagay ng unan sa iyong gilid. Ihiga sa unan ang ibabang bahagi ng katawan ng sanggol upang mas mababa ito kaysa kanyang ulo. Hawakan ang leeg ng iyong sanggol upang nasa ilalim ng kanyang mga tainga ang iyong mga daliri. 

  • Siguraduhing nakatagilid ang katawan ng iyong sanggol upang nakadikit ang buong katawan niya sa iyong katawan.

  • Ipitin ang mga binti ng iyong sanggol sa pagitan ng iyong braso at katawan, na tila nagbibitbit ka ng football o pitaka sa iyong gilid.

Babae na nagpapasuso ng sanggol sa pamamagitan ng football hold.
"Football" hold.

Nakahigang patagilid na paghawak

Narito ang ilang payo:

  • Umunat nang patagilid. Gumagamit ng mga unan upang suportahan ang iyong ulo, leeg, at likod. Itagilid ang iyong sanggol nang nakaharap sa iyo upang nakadikit ang harapan ng katawan ng iyong sanggol sa iyong katawan.

  • Suportahan ang ulo, leeg, at likod ng iyong sanggol gamit ang iyong braso.

  • Hayaan ang iyong sanggol na mahanap ang utong at dumikit nang walang tulong.

  • Pagpalitin ang mga suso. Idikit ang iyong sanggol malapit sa iyong dibdib. Pagkatapos, umikot sa iyong kabilang gilid upang magpasuso sa kabilang suso sa parehong paraan.

  • Posibleng palaging makatulog habang nagpapasuso, kaya siguraduhing nasa ligtas na lugar ka kapag ginagamit mo ang paghawak na ito. Huwag gumamit ng sopa. Sundin ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa ligtas na kapaligiran sa pagtulog para sa iyong sanggol.

Babaeng nagpapasuso ng sanggol sa pamamagitan ng side-lying hold.
"Side-lying" hold.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer