Pag-unawa sa Bakunang mRNA COVID-19
Mayroon na ngayong mga bakuna laban sa COVID-19. Ano ang kailangan mong malaman tungkol sa pagpapabakuna laban sa COVID-19? Ano ang iyong maaasahan matapos mong matanggap ito? Ipagpatuloy ang pagbasa para matuto nang higit pa.
Mga katotohanan tungkol sa bakunang mRNA COVID-19
-
Ibinibigay ang bakuna bilang isang turok sa isang kalamnan sa itaas ng iyong braso.
-
Hindi gumagamit ng buhay, patay, o mahinang COVID virus ang bakunang mRNA.
-
Hindi ka bibigyan ng bakuna ng COVID-19.
-
Nangangahulugan ang masasamang epekto ng bakuna na gumagana ang iyong immune system, hindi dahil mayroon ka ng virus.
-
Kakailanganin mo ng 2 dosis ng bakuna, hindi bababa sa 3 linggo ang pagitan. Tinutuklas ng mga eksperto ang isang dosis na booster na ibibigay 8 buwan pagkatapos matanggap ang ikalawang dosis ng mRNA na bakuna. Ito ay upang tumulong na magbigay ng mas matagal na proteksyon laban sa COVID-19 at mga variant nito gaya ng delta variant.
-
Ang mga taong may katamtaman o sobrang mahinang sistema ng imyuno ay maaaring hindi magkaroon ng sapat na mga antibody upang labanan ang COVID-19 pagkatapos makuha ang unang 2 dosis ng bakuna. Maaaring kailanganin nilang magkaroon ng ikatlong dosis. Karaniwan itong mga tao na nagkaroon ng mga pag-transplant ng solid na organ o may mga kondisyon ng kalusugan na nagdudulot ng napakahinang sistema ng imyuno. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iyong sitwasyon at panganib.
Ano ang ginagawa ng bakuna para sa COVID-19?
Ipinakita na gumaganang mabuti ang bakuna laban sa COVID-19 upang maiwasan ang sakit na COVID-19 na may mga sintomas. Makatutulong ang pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19 upang maprotektahan ka at ang iyong pamilya mula sa pagkakasakit mula sa virus. Kung makakuha ka ng virus pagkatapos mong mabakunahan, maaari itong makatulong na maging mas banayad ang iyong mga sintomas. Maaari ding makatulong ang bakuna laban sa COVID-19 upang maprotektahan ang mga tao sa iyong paligid na mahawa.
Maaari ding humantong ang mga bakuna para sa COVID-19 sa mas malawakang mga pagbabago. Kung mas maraming tao ang mababakunahan laban sa COVID-19, mas kaunti ang kalamangan na kumalat ang virus sa komunidad. Tinatawag itong "herd immunity" o "community immunity." Habang mas maraming tao ang nababakunahan, maaaring magbago ang mga lokal at panrehiyong patakaran tungkol sa kung ano-anong uri ng mga negosyo ang maaaring magbukas at kung paano maaaring magtipon nang sama-sama ang mga tao.
Maaaring bumalik nang mas mabilis ang personal na sesyon ng mga paaralan. Maaaring muling magbukas ang mga lugar ng trabaho. Maaaring payagan ang mga kaganapan, maaaring bumalik ang pagbiyahe para sa maraming tao, at maaaring maging mas madaling makita ang mga kapamilya at kaibigan.
Dapat ba akong magpabakuna laban sa COVID-19?
Ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin ay makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Naaprubahan na ang mga mRNA na vaccine upang protektahan ang mga tao laban sa COVID-19, kasama ang mga buntis o nagpapasuso. Isa nang bakuna ang aprubado para sa mga taong kasing bata ng edad na 12. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iyong mga panganib at kung anong bakuna ang maaaring pinakamahusay para sa iyo at sa iyong pamilya.
Maaari pa ring makinabang ang mga taong nagkaroon na ng COVID-19 mula sa bakuna. Hindi eksaktong alam ng mga mananaliksik kung gaano magtatagal ang natural na imyunidad pagkatapos mong magkaroon ng COVID-19. Maaari kang payuhan ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na magpabakuna kung nagkaroon ka ng COVID-19 nang mahigit sa 90 araw ang nakalipas.
Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung nagkaroon ka ng matinding reaksyon na allergy sa pagkain o gamot. Makipag-usap sa kanila tungkol sa iyong mga panganib kung nagdadala ka ng epinephrine autoinjector. Maaari itong makaapekto sa payo sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa bakuna.
Paano gumagana ang bakunang mRNA COVID-19?
Iba ang mga bakunang COVID-19 mRNA mula sa mga tradisyunal na bakuna. Hindi gawa ang mga ito sa buhay, patay, o mahinang virus. Sa halip, gawa ang mga ito sa messenger ribonucleic acid (mRNA). Isa itong uri ng molecule na nagbibigay ng mga tagubilin para sa kung paano gumawa ng iba't ibang uri ng mga protina. Natural na bahagi ng ating mga selula ang mga mRNA molecule at kung paano gumagana ang ating mga katawan.
Sinasabi ng mRNA sa mga bakuna sa iyong mga selula kung paano gumawa ng ligtas na piraso ng protina na tinatawag na spike protein. Natatagpuan ang protinang ito sa labas ng SARS-CoV-2 virus na nagdudulot ng COVID-19. Nakikita ng iyong immune system ang spike protein na ito bilang isang banta, at lumilikha ng mga antibody at iba pang pananggalang laban dito.
Tutulong ito sa immune system ng iyong katawan na makilala at labanan ang tunay na virus kung sakaling magpakita ito. Ito ay parang pagkilala sa isang tao sa pamamagitan ng sombrerong suot niya. Kung gayon, handa na ang iyong katawan na makita ang COVID-19 at labanan ito bago ito lumaki sa mga selula ng iyong katawan.
Paano inaprubahan para sa kaligtasan ang mga bakuna para sa COVID-19?
Nakapasa ang mga bakunang COVID-19 mRNA sa maraming pagsusuri sa mga laboratoryo at sa libo-libong tao, at natugunan ang mahihigpit na pamantayan mula sa FDA.
Sinubukan muna ang mga bakuna sa mga hayop. Pagkatapos, sinubukan ang mga ito sa isang serye ng mga clinical trial kasama ang libo-libong tao. Kinolekta ang lahat ng data mula sa mga pagsubok na ito at isinumite sa FDA at sa iba pang grupo ng siyentipiko. Maingat na tiningnan nitong mga komite ng mga siyentipiko at mga eksperto sa pampublikong kalusugan ang data upang makita kung ligtas at mabisa ang bakuna. Kung matugunan ng bakuna ang mahigpit na mga pamantayan ng FDA sa kaligtasan at kalidad, sasabihin ng ahensya sa kompanya ng bakuna na maaari silang gumawa ng bakuna para sa paggamit na pang-emergency.
Paanong napakabilis na naihanda ang bakunang ito?
Maraming taon nang nagtatrabaho ang mga mananaliksik sa mga bakunang mRNA. Mas mabilis at mas ligtas na nagagawa ang mga ito sa isang laboratoryo kaysa sa isang bakuna na gumagamit ng virus. Dahil dito, maaari ding magawa ang mga ito nang mas mabilis.
Karaniwang mas matagal na maaprubahan ang mga bakuna at madala sa merkado. Ngunit sa napakaraming taon ng paggawa ng mga bakuna, ginagawa ng mga grupo ng pananaliksik at mga ahensya ng pampublikong kalusugan na mas mabilis na gumana ang proseso ng bakuna. Para sa COVID-19, ginawa ang isang espesyal na programang tinatawag na Operation Warp Speed (OWS) upang tumulong na maihanda nang mas mabilis pa ang mga bakuna para sa COVID-19.
Ang OWS ay pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao ng U.S., ng Kagawaran ng Tanggulan ng U.S., at ng maraming grupo ng medikal na pananaliksik at pagmamanupaktura. Nagkasundo ang mga organisasyong ito na magtulungan hangga't maaari upang mag-usap at kumilos sa pamamagitan ng isang malaking proseso upang bumuo ng mga ligtas na bakuna para sa COVID-19 nang mas mabilis.
Magkano ang bakuna?
Ibinibigay nang libre ng gobyerno ng U.S. ang bakuna para sa mga residente ng U.S. Ngunit ang lugar kung saan ka kumuha ng bakuna ay maaaring maningil sa iyong insurer ng kalusugan sa pagbibigay sa iyo ng bakuna. Makipag-usap sa iyong insurer ng kalusugan, lokal na parmasya, employer, o tagapangalaga ng kalusugan upang malaman pa ang tungkol sa posibleng bayad. Hindi ka maaaring pagkaitan ng bakuna kung wala kang insurance sa kalusugan o hindi ka makapagbayad mismo.
Pagkuha ng bakunang mRNA COVID-19
Ibinibigay ang bakuna bilang isang turok sa isang kalamnan sa itaas ng iyong braso. Kakailanganin mong magkaroon ng 2 dosis, na may pagitan na 21 araw o higit pa. Kakailanganin mo ang parehong dosis na ito para makuha ang pinakamahusay na proteksyon sa COVID-19 mula sa bakuna.
Ang mga taong may katamtaman o sobrang mahinang sistema ng imyuno ay maaaring hindi magkaroon ng sapat na mga antibody upang labanan ang COVID-19 pagkatapos makuha ang unang 2 dosis ng bakuna. Maaaring kailanganin nila ang dagdag na dosis. Kasama rito ang mga tao na nagkaroon ng pag-transplant ng solid na organ o may kondisyon na nagdudulot ng napakahinang sistema ng imyuno. Ibinibigay ang dagdag na dosis nang hindi bababa sa 28 araw pagkatapos ng ikalawang dosis. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iyong sitwasyon at panganib.
Sundin ang mga tagubilin mula sa tauhan ng tagapangalaga ng kalusugan. Sabihin sa tauhan kung nagkaroon ka ng matinding reaksyon na allergy sa pagkain o gamot, o may dalang epinephrine autoinjector. Sabihin sa kanila kung may naramdaman kang anumang reaksyon pagkatapos mong mabakunahan. Malamang hilingan ka na manatili nang ilang oras pagkatapos mong mabakunahan para masubaybayan ka.
Masasamang epekto: Alamin kung ano ang aasahan
Magkakaroon ng masasamang epekto ang bakuna para sa ilang tao. Pagaganahin ng bakuna ang immune system ng isang tao. Ginagawa nitong lumikha ang immune system ng mga antibody upang labanan ang partikular na virus o bakterya. Kapag kumilos ang iyong immune system, maaari mong maramdaman na nagsisimula ang iyong immune system na parang nakikipaglaban ito sa isang sakit. Hindi ito nangangahulugan na nahawa ka sa sakit. Ibig sabihin nito na gumagana ang iyong immune system.
Ang mga taong nasa mga pagsubok ng bakuna para sa COVID-19 ay karaniwang nagkaroon ng pananakit sa lugar ng iniksyon, pagkapagod, mga pagsakit ng ulo, mga pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, panginginig, at lagnat sa loob ng isa o dalawang araw. Mas kaunting tao ang nagkaroon ng pamumula at pamamaga sa lugar ng iniksyon. Palatandaan ang lahat ng ito na gumagana ang iyong immune system sa pagtatanggol nito. Makukuha mo ang mga uring ito ng mga epekto pagkatapos ng maraming uri ng mga bakuna. Ngunit dapat magtagal nang maikling panahon ang mga sintomas na ito. Bilang paghahambing, maaaring maging matindi ang mga sintomas ng COVID-19 at mas magtagal, at magdulot ng mga kumplikasyon, pangmatagalang sakit, at kamatayan. Sinisiguro ng proseso ng pag-apruba ng FDA na nahihigitan ng kawalang-ginhawa at mga panganib ng isang bakuna ang mga panganib at kumplikasyon ng sakit na tinutulungan nitong mapigilan.
Reaksiyon sa Allergy
Sa pangkalahatan, napakaligtas ang mga bakuna sa COVID-19. Isinubok na ang mga ito sa libo-libong tao. Nangyari ang hindi malubhang reaksyon sa allergy sa ilang tao nang hanggang 4 na oras pagkatapos na mabakunahan. Maaaring hilingin sa iyo ng klinika na nagbabakuna na manatili sa lugar ng ilang oras pagkatapos mong mabakunahan. Ito ay para matiyak na wala kang mabilis na reaksyon.
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago ka magpabakuna laban sa COVID-19. Sabihin sa kanila kung nagkaroon ka na dati ng mabilis na reaksyon sa kahit anong bakuna, kahit pa ang reaksyon ay hindi malubha. Tutulungan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na timbangin ang mga panganib at benepisyo para sa iyo ng bakuna laban sa COVID-19.
Kung may allergy ka sa kahit anong sangkap sa mRNA na bakuna sa COVID-19, ipinapayo ng CDC na huwag kang magpabakuna. Kung naturukan ka na ng 1 dosis ng bakuna sa COVID-19 at nagkaroon ka na agad ng reaksyon, ipinapayo ng CDC na huwag kang magpaturok ng ikalawang dosis.
May smartphone app ang CDC na tinatawag na V-Safe para tulungan kang iulat ang masasamang epekto. Magpapadala rin ang app ng mga paalala kung kailangan mo ng ikalawang dosis ng bakuna. Para ma-access ang app na ito, tingnan ang “Para alamin ang higit pa” sa ibaba.
Mga malubhang sintomas
Kung tumanggap ka ng bakuna sa COVID-19 at iniisip mong parang magkakaroon ka ng malubhang reaksyon sa allergy pagkaalis mo sa klinikang nagbabakuna, tawagan ang 911. Kabilang sa mga malubhang sintomas ang:
-
Hirap sa paghinga
-
Paghingang may humuhuni
-
Hirap sa paglunok o pakiramdam na nagsasara ang iyong lalamunan
-
Mahalumigmig, mamasa-masa, o mangasul-ngasol na balat
-
Garalgal na boses o hirap sa pagsasalita
-
Pananakit ng dibdib
-
Pagkahimatay
-
Pamamaga sa mga mata, bibig, mukha, o dila
-
Kumbulsyon
-
Nakakaramdam ng labis na antok o nahihirapang magising
-
Mabilis na tibok ng puso
-
Pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, pamumulikat ng tiyan, o pananakit ng tiyan
Pagkatapos mong mabakunahan para sa COVID-19
Kapag nakuha mo na ang parehong dosis ng bakuna:
-
Posible pa ring magkaroon ng COVID-19. Gaya ng karamihang bakuna, hindi 100% mabisa ang mga bakuna para sa COVID-19 sa pag-iwas sa sakit. Dapat ka pa ring mag-ingat upang umiwas na makaugnayan ang mga taong maysakit at sundin ang lokal na payo tungkol sa pananatiling ligtas.
-
Sundin ang inyong lokal, pang-estado, at pambansang mga tagubilin tungkol sa pagsusuot ng mask at social distancing. Tingnan ang mga pinakabagong patnubay ng CDC.
Pakikipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Maaaring napakarami mong tanong tungkol sa bakuna para sa iyong sarili. Dapat mo bang kuhanin ito? Kung gayon, kailan? Ano-ano ang iyong mga peligro at benepisyo? Ang pinakamahusay na paraan upang sagutin ang mga ito ay makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan. Maaari nilang ipaalam sa iyo kung kailan at kung anong uri ng bakuna ang mayroon, at ano ang dapat mong isaalang-alang.
Upang matuto nang higit pa