Sa 2 buwan, natutulog ang karamihang sanggol nang humigit-kumulang sa 15 hanggang 18 oras araw-araw. Karaniwang makatulog nang maiikli sa buong araw, sa halip na ilang oras nang minsan. Maaaring maging maselan ang sanggol bago matulog sa gabi, bandang 6 p.m. hanggang 9 p.m. Ito ay normal. Sundin ang mga payo sa ibaba upang matulungan ang iyong sanggol na makatulog nang ligtas at mahimbing:
-
Ihiga ang iyong sanggol para sa mga pag-idlip at pagtulog hanggang maging 1 taong gulang siya. Mapababa nito ang panganib ng SIDS, paglanghap ng isang bagay patungo sa baga, at mabulunan. Huwag kailanman ihiga ang iyong sanggol nang patagilid o padapa sa pagtulog o mga pag-idlip. Kapag gising ang iyong sanggol, hayaang dumapa ang iyong sanggol hangga't binabantayan mo siya. Makatutulong ito sa iyong anak na makabuo ng malalakas na kalamnan sa tiyan at leeg. Makatutulong din ito na maiwasan ang pagkadapa ng ulo ng iyong sanggol. Maaaring mangyari ang problemang ito kapag gumugugol ng maraming oras ang mga sanggol sa paghiga na nakalapat ang likod.
-
Tanungin ang tagapangalaga ng kalusugan kung dapat mong hayaan ang iyong sanggol na matulog na may pacifier. Ipinapakita na ang pagtulog na may pacifier ay nakakabawas sa panganib ng SIDS. Ngunit huwag itong ibigay hanggang hindi pa naitataguyod ang pagpapasuso. Kung ayaw ng iyong sanggol sa pacifier, huwag siyang pilitin na gumamit nito.
-
Huwag maglagay ng crib bumper, unan, maluluwag na kumot, o stuffed toy sa kuna. Maaari itong maging dahilan upang hindi makahinga ang sanggol.
-
Nangangahulugan ang pagbigkis na pagbabalot nang hapit sa iyong bagong silang na sanggol sa isang kumot, ngunit may sapat na espasyo upang maigalaw niya ang kanyang balakang at mga binti. Makatutulong sa sanggol ang pagbibigkis na makaramdam na ligtas at makatulog. Maaari kang bumili ng espesyal na kumot na pambalot na dinisenyo upang maging mas mabilis ang pagbibikis. Ngunit huwag gamitin ang pagbibigkis kung ang iyong sanggol ay 2 buwan o mas matanda, o kung kayang gumulong ng iyong sanggol nang mag-isa. Maaaring mapataas ng pagbibigkis ang panganib sa SIDS (syndrome na biglaang pagkamatay ng sanggol) kung gumulong at dumapa ang nakabigkis na sanggol. Dapat maigagalaw pataas at palabas sa balakang ang mga binti ng iyong sanggol. Huwag ilagay ang mga binti ng iyong sanggol na magkasama ang mga ito at tuwid pababa. Pinatataas nito ang panganib na hindi lumaki at ma-develop nang tama ang mga kasukasuan ng balakang. Maaari itong magdulot ng problema na tinatawag na hip dysplasia at dislokasyon. Maging maingat din sa pagbibigkis sa iyong sanggol kung maalinsangan o mainit ang panahon. Labis na maiinitan ang iyong sanggol kapag gumagamit ng makapal na kumot sa maalinsangang panahon. Sa halip gumamit ng mas manipis na kumot o sheet upang balutin ang sanggol.
-
Huwag ilagay ang iyong sanggol sa isang sopa o armchair para matulog. Inilalagay ang sanggol sa mas mataas na panganib ng pagkamatay, kabilang ang SIDS dahil sa pagtulog sa sopa o armchair.
-
Huwag gumamit ng mga upuan ng sanggol, upuan sa kotse, mga stroller, infant carriers, o duyan ng sanggol para sa rutinang pagtulog at araw-araw na mga pag-idlip. Maaari itong maging sanhi ng pagharang sa daanan ng hininga ng sanggol o hindi makahinga ang sanggol.
-
OK na ihiga ang sanggol sa kama nang gising. OK din na hayaan ang iyong sanggol na umiyak sa kama sa ilang sandali, ngunit hindi mas tatagal sa ilang minuto. Sa edad na ito hindi pa handa ang mga sanggol na umiyak hanggang makatulog.
-
Kung nahihirapan ka sa pagpapatulog sa iyong sanggol, humingi ng mga payo sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Huwag itabi ang iyong sanggol sa kama (makitulog). Ipinapakita na mas mataas ang panganib para sa SIDS ng pagtatabi sa kama ng sanggol. Sinasabi ng American Academy of Pediatrics na ang mga sanggol ay dapat matulog sa parehong kuwarto ng kanilang mga magulang. Dapat malapit sila sa kama ng kanilang mga magulang, ngunit sa hiwalay na kama o kuna. Dapat isagawa ang setup na ito sa pagtulog sa unang taon ng sanggol, kung maaari. Ngunit dapat mo itong gawin sa unang 6 na buwan man lang.
-
Palaging ilagay ang mga kuna, bassinet, at palaruan sa mga lugar na walang panganib. Nangangahulugan ito na walang mga nakabitin na lubid, kawad, o mga kurtina sa bintana. Mapabababa nito ang panganib ng pagkasakal.
-
Huwag gumamit ng baby heart rate at mga monitor o mga espesyal na device upang mapababa ang peligro ng SIDS. Kabilang sa mga device na ito ang mga pangkalang, positioner, at espesyal na kutson. Hindi pa napatunayang makakapigil sa SIDS ang mga kagamitang ito. Sa mga bihirang kaso, naging sanhi ang mga ito ng pagkamatay ng isang sanggol.
-
Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol tungkol sa mga ito at iba pang problema sa kalusugan at kaligtasan.