Search Results
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagpapaligo sa Iyong Bagong Silang na Sanggol

Hanggang sa malaglag ang pusod ng iyong bagong silang na sanggol, pinakamahusay na paraan ang mga pagpunas para paliguan ang iyong sanggol. Tipunin ang mga supply, kabilang ang mga lampin at damit, nang maaga pa. Maaaring kabilang dito ang:

  • Banayad na sabon para sa sanggol

  • 2 bimpo

  • 2 tuwalya

  • Mga lampin

  • Mga damit

  • Isang kumot

  • Hypoallergenic lotion (kung gusto) 

Palaging suriin ang temperatura ng tubig bago simulan ang paligo. Dapat maligamgam ito ngunit hindi masyadong mainit para maging sanhi ng paso. Ipinapayo ng American Academy of Pediatrics ang pagpapanatiling naka-set ang iyong hot water heater set sa hindi mas mataas sa 120°F (48°C) .

Paliguan ang iyong bagong silang na sanggol kada 2 hanggang 3 araw, sa pamamagitan ng mga hakbang sa ibaba bilang gabay. Maaari mong hugasan nang mas madalas ang bahagi na nilalagyan ng lampin kung kinakailangan para mapanatiling malinis ang sanggol.

Kamay na may hawak na tela habang hinuhugasan ang bagong silang na sanggol sa bathtub na para sa sanggol na may kalapit na batya ng tubig.

Mahalaga

Huwag iwanang mag-isa ang iyong sanggol malapit sa tubig—kahit pa ilang segundo! Kung dapat kang umalis sa kuwarto sa oras ng pagpapaligo, palaging isama ang iyong sanggol.

Hakbang 1. Hugasan ang mukha ng iyong sanggol

  • Gumamit ng maligamgam na tubig sa isang malinis at malambot na tela o bulak. Huwag lagyan ng sabon.

  • Marahang punasan ang mga mata. Para iwasan ang impeksiyon, gamitin ang isang malinis na parte ng tela para sa bawat mata. Punasan mula sa panloob na sulok ng mata palabas.

  • Hugasan ang likod ng tainga ng sanggol at ang ilalim ng baba.

Hakbang 2. Paliguan ang katawan, mga braso, at mga hita

  • Maglagay ng kaunting banayad at walang amoy na sabon sa isang malinis at basang tela.

  • Linisin sa pagitan sa anumang tiklop ng balat.

  • Ibuka ang mga daliri ng sangggol at punasan ang mga palad. Hugasan ang ilalim ng mga braso ng sanggol at sa likod ng parehong tuhod.

  • Kung madumihan ang pusod ng iyong sanggol, linisin ito ng tubig at hayaang matuyo.

  • Punasan ang iyong sanggol hanggang sa malaglag ang pusod at maghilom ang bahagi. Kung mabasa ito, ilantad ang bahagi sa hangin para matuyo ito.

Hakbang 3. Hugasan ang puwit ng iyong sanggol

  • Paliguan ang puwit ng sanggol pagkatapos ng lahat ng katawan.

  • Hugasan ang ari ng mga babae paharap hanggang palikod lamang.

  • Huwag kailanman puwersahing iurong ang balat ng hindi pa tuli na ari.

Hakbang 4. Pangalagaan ang anit ng sanggol

  • Marahang kuskusin o suklayin ang anit ng iyong sanggol sa bawat araw.

  • Hugasan ang anit ng sanggol 1 o 2 beses sa isang linggo. Gumamit ng banayad na shampoo na hindi nakakahilam ng mata. Maiiwasan nito ang cradle cap. Isa itong pantal sa balat na katulad ng balakubak. Karaniwan ito sa mga sanggol. Maaari mong balutin ang iyong sanggol sa isang maligamgam na tuwalya at pagkatapos, hugasan ang kanyang anit at buhok.

  • Bihirang mangailangan ng mga lotion o pulbos ang mga bagong silang na sanggol. Kung gusto mong gumamit ng lotion, pumili ng isang hypoallergenic. Kung pinili mong gumamit ng mga pulbos, maglagay muna ng pulbos sa iyong mga kamay. At ikuskos ito sa balat ng iyong sanggol. Kung malanghap ng sanggol ang pulbos, maaari itong magdulot ng mga problema sa baga.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer