Search Results
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tagubilin sa Pag-discharge ng Coronary Angioplasty

Ikaw ay sumailalim ng angioplasty. Sa panahon ng iyong angioplasty, ang doktor ay nagpasok ng manipis na tubo na tinatawag na catheter sa daluyan ng dugo at sa iyong singit. Ang catheter ay itinulak mula sa daluyan ng iyong dugo hanggang sa may nakabarang dako sa isa sa mga daluyan ng dugo ng iyong puso. Pinalobo ng doktor ang dulo ng catheter at binatak nito ang baradong daluyan upang malayang dumaloy ang dugo. Ang lobo ay inimpisan at tinanggal kasama ng catheter. Ang doktor ay maaaring may ipinasok na metal na kagamitang tinatawag na stent sa baradong daluyan. Kung mayroon, ang stent ay makakatulong upang mapanatiling bukas ang daluyan.

Pangangalaga sa Bahay

  • Magpamaneho papunta sa iyong mga appointment sa mga susunod na araw.

  • Magpahinga ng 2-3 araw pagkatapos ng procedure. Karamihan sa mga pasyente ay nakakabalik sa normal nilang aktibidad sa loob ng ilang araw.

  • Kunin ang iyong temperatura at suriin ang iyong hiwa para sa mga senyales ng impeksiyon (pamumula, pamamaga, drainage, o pag-init) araw-araw ng isang linggo. Normal na magkaroon ng maliit na pasa o bukol kung saan naipasok ang catheter.

  • Inumin ang iyong medikasyon ayon sa inuutos. Huwag laktawan ang dosis. Mahalagang inumin ang aspirin o ibang katulad na gamot hanggang sa ipinapayo ito ng iyong doktor.

  • Maliban kung kabaligtaran ang inuutos, uminom ng 6-8 basong tubig kada araw upang maiwasan ang dehydration at makatulong na mailabas ang pangkulay sa iyong katawan na ginamit sa angioplasty.

  • Kumain ng malusog na diyeta na mababa sa taba, asin, at kolesterol. Itanong sa iyong doktor ang mga menu o iba pang impormasyong pangdiyeta.

  • Mag-ehersisyo ayon sa rekomendasyon ng iyong doktor.

  • Iwasan ang paglangoy o pagbabad sa bath tub. Maaari kang mag-shower sa araw pagkatapos ng procedure.

Mag-Follow Up

Magkaroon ng follow-up appointment ayon sa ipinag-uutos ng aming staff.

Kailan Dapat Tawagan ang Iyong Doktor

Tawagan agad ang iyong doktor kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod:

  • Pananakit ng dibdib o pagbalik ng mga sintomas na mayroon ka bago ang angioplasty

  • Palagian o dagdag na pananakit o pagkamanhid ng iyong binti

  • Lagnat na mataas sa 101.0°F o iba pang senyales ng impeksiyon (pamumula, pamamaga, drainage, o pag-init sa dako ng hiwa)

  • Pagkahingal

  • Binti na nagkukulay asul o malamig ang pakiramdam

  • Pagdurugo, pamamasa, o isang malaking pamamaga kung saan naipasok ang catheter (tubo)

  • Dugo sa iyong ihi

  • Maitim o tarry na dumi

Online Medical Reviewer: Foster, Sarah, RN, MPH
Online Medical Reviewer: MMI board-certified, academically affiliated clinician
Date Last Reviewed: 10/1/2016
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer