Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Retinopathy ng Prematurity

Nasa panganib ang mga sanggol na kulang sa buwan para sa retinopathy ng prematurity (ROP). Isa itong problema na makakaapekto sa paningin. Ang ROP ay ang paglaki ng abnormal na mga daluyan ng dugo sa lining ng likod ng mata (retina). Sa malulubhang kaso, maaaring alisin ng mga daluyan ng dugo ang retina mula sa likod ng mata.

Ano ang sanhi ng ROP?

Hindi natatapos na lumaki ang mga daluyan ng dugo sa retina hanggang sa huling yugto ng pagbubuntis. Kapag isinilang ang sanggol nang kulang sa buwan, hindi pa ganap na buo ang mga daluyan ng dugo na ito. Kaya natatapos ng mga daluyan ng dugo na ito ang kanilang paglaki pagkatapos isilang ang sanggol. Ang mga dahilan sa kapaligiran sa labas ng sinapupunan ang maaaring maging sanhin upang lumaki ang mga ito nang abnormal. Isang problema ay maaaring ang pagbabago ng mga antas ng oxygen sa dugo. Mas malamang ang ROP sa mas bata o mas maliliit na sanggol na kulang sa buwan.

Cross section ng three-quarter view ng mata na ipinakikita ang normal na mga daluyan ng dugo sa retina.
Bumubuo ang mga normal na daluyan ng dugo ng maselan na web sa retina.
Cross section ng three-quarter view ng mata na ipinakikita ang retinopathy ng prematurity.
Sa ROP, maaaring lumaki at mabaluktot ang mga daluyan ng dugo. Maaaring bumuo ang mga ito ng umbok ng tisyu ng pilat, o hilahin ang retina, sanhi para matanggal ito.

Paano nada-diagnose at sinusubaybayan ang ROP?

Maingat na sinusubaybayan ang mga antas ng oxygen sa dugo ng lahat ng sanggol na kulang sa buwan sa NICU (neonatal intensive care unit). Ang mga sanggol na isinilang sa o mababa sa  30 linggo at 6 na araw ng pagbubuntis o tumitimbang ng  1.500 gramo o mas mababa (52.5 onsa o mas mababa) ay sinusuri ng isang tagapangalaga ng mata (opthalmologist). Maaari ding gawin ang pag-eksamin ng mata ng isang sinanay na miyembro ng pangkat na tagapangalaga ng kalusugan gamit ang espesyal na kamera para tingnan ang likod ng mata.

Maaaring mangailangan ang ilang sanggol na tumitimbang sa pagitan ng 1,500 at 2,000 gramo (52.5 hanggang 70 onsa) at may iba pang problema sa kalusugan na magkaroon ng pag-eksamin ng mata dahil nasa mas mataas na panganib din sila para sa ROP.

Sa panahon ng mga pag-eksamin ng mata, ginagamit ang mga pampatak para palawakin (palakihin) ang balintataw ng mata. Nagbibigay-daan ito sa tagapangalaga na matingnan ang balintataw para suriin ang mga daluyan ng dugo sa retina. Kung makita ng tagapangalaga ang mga abnormal na daluyan ng dugo, nire-rate ang kanilang ROP mula stage 1 (banayad) hanggang stage 5 (malubha). Tinitingnan din ang lokasyon ng mga daluyan ng dugo.

Maaaring gawin ang unang pag-eksamin sa 4 hanggang 8 linggo pagkatapos ng pagsilang. Depende sa mga resulta ng eksamin na ito at ang edad ng sanggol sa pagbubuntis, kakailanganin niya ng mga follow-up na pag-eksamin tuwing 1 hanggang 2 linggo.

Paano ginagamot ang ROP?

Madalas na hindi kailangan ng paggamot ng banayad na ROP (stage 1 at 2). Maaaring kailanganin ang paggamot ng mga sanggol na may katamtaman hanggang malubhang ROP. Karaniwang depende ang paggamot sa kalubhaan ng sakit. Ang mga opsyon sa paggamot ay:

  • Operasyon gamit ang laser (laser therapy o photocoagulation). Gumagamit ang tagapangalaga ng mga sinag ng ilaw para sunugin at lagyan ng pilat ang mga gilid ng retina. Inihihinto nito ang paglaki ng abnormal na mga daluyan ng dugo at paghila sa retina.

  • Anti-VEGF-therapy. Nag-iiniksyon ang tagapangalaga ng gamot na anti-VEGF sa loob ng mata (vitreous), malapit sa retina sa likod ng mata. Inihihinto nito ang paglaki ng abnormal na mga daluyan ng dugo at paghila sa retina. Mas bago ito na therapy na malawakang ginagamit para gamutin ang ROP. Pero, tinutukoy pa rin ang pangmatagalang resulta.

  • Scleral buckle. Naglalagay ang tagapangalaga ng silicone sa paligid ng puti ng mata (sclera). Tumutulong ang band na ito na itulak ang mata para manatili ang retina sa dingding ng mata. Inaalis ang buckle kinalaunan habang lumalaki ang mata. Kung hindi ito maalis, maaaring maging nearsighted ang bata. Ibig sabihin nito na mahihirapan silang makakita ng mga bagay na nasa malayo.

  • Vitrectomy. Inaalis ng tagapangalaga ang malinaw na gel sa gitna ng mata (vitreous) at nilalagyan ng saline (asin) solution sa lugar nito. Pagkatapos, maaalis ng tagapangalaga ang pilat na tisyu, para hindi humila ang retina. Tanging mga sanggol na may stage 4 o 5 ROP ang may ganitong operasyon.

  • Cryotherapy (freezing). Gumagamit ang tagapangalaga ng mga metal probe para i-freeze at lagyan ng pilat ang mga gilid ng retina. Pinipigil nito ang pagkalat ng abnormal na mga daluyan ng dugo at paghila sa retina. Bihirang ginagamit ang paggamot na ito ngayon dahil karaniwang mas mahusay na gumagana ang iba pang therapy.

Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalasugan ng iyong sanggol tungkol sa kung aling paggamot ang tama para sa iyong sanggol.

Ano-ano ang mga pangmatagalang epekto?

Maraming sanggol na may ROP ang walang epekto na nagtatagal. Kung mas malubha ang sakit, mas mataas ang tsansa ng permanenteng mga problema sa paningin. Nangyayari ang pangmatagalang mga problema sa paningin sa 7 sa 100 hanggang 3 sa 20 bata na may katamtaman hanggang malubhang ROP. Maaaring humantong ang ROP sa pagkabulag sa mga bihirang kaso. 

Kakailanganin ng karamihang sanggol ang mga eksaminasyon sa mata. Nasa mataas na panganib ang mga sanggol na may ROP para sa iba pang sakit sa mata. Kabilang dito ang myopia, strabismus, at astigmatism. Maaaring kailangan ng iyong sanggol ang salamin sa mata o iba pang paggamot.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer